Paano tumaya sa Expekt.com
Ang pagtaya sa Expekt.com ay simple, ligtas at madaling gamitin. Maaari kayong tumaya sa Internet kaya't wala nang oras ng pagbubukas na dapat bantayan. Maaari kayong tumaya ng 24 oras sa isang araw at hanggang 5 minuto bago ang umpisa ng labanan. Ang Expekt.com ay nag-aalok ng posibilidad na tumaya sa marami-raming labanan sa magkakaibang isport, halimbawa putbol, ice hockey, tenis, pag-iiski, golp, atletiks at Pormula 1. Sa bawat isport pinagsisikapan naming saklawin ang lahat ng kawili-wiling mga labanan, na nangangahulugan na mayroon kaming 300-400 mga labanan sa bawat linggo na maaaring tayaan.
Magbukas ng kwentas ng tayaan
Upang tumaya sa Expekt.com kakailanganin ninyong magbukas ng kwentas sa pamamagitan ng pagparehistro sa aming sityo. Kapag kayo ay nakapagparehistro makakatanggap kayo ng ID ng kliyente. Itong personal na ID ng kliyente ay inyong gagamitin sa tuwing kakailanganin ninyong makipag-ugnayan sa Expekt.com. Ang pagbukas ng kwentas ay libre at maaaring isara sa anumang oras. Ang lahat ng mga transaksiyon sa inyong kwentas ay nakatala sa paraang tulad ng sa kwentas ng bangko sa isang bangko. Kontrolado ninyo ang inyong pagtaya.
Isaaktibo ang kwentas
Maisaaktibo ninyo ang inyong kwentas ng tayaan sa pamamagitan ng pagdeposito ng pera sa isa sa mga kwentas ng Expekt.com. Kapag nagdeposito kayo mahalagang tandaan ang inyong ID ng kliyente at pangalan. Maaaring magtagal ng 3-4 araw ng pasok bago namin matanggap ang kumpirmasiyon ng deposito mula sa bangko at mailagay sa inyong kwentas upang kayo ay makapag-umpisang tumaya.
Tumaya
Ang pagtaya sa Expekt.com ay napakasimple. Kayo ay papasok gamit ang inyong ngalan ng tagagamit at kontrasenyas na napili ninyo noong kayo ay nagparehistro. Kapag kayo ay nakapasok sa inyong personal na kwentas maaari na kayong tumaya sa mga labanang ang probabilidad ay inaalok ng Expekt.com sa kasalukuyan. Piliin lamang ninyo ang mga labanang nais ninyong tayaan at i-klik ang katapat na probabilidad. Mabubuo ninyo ang inyong bilyete sa pamamagitan ng pagsasama ng hanggang 20 mga labanan sa ganitong paraan. Maaari na kayong mamili ng halagang nais ipusta at tapusin sa pamamagitan ng pagkumpirma ng inyong tinayaan.